Bumalik sa gabay

Ang mga Ebanghelyo, bawat kabanata / Pagbabasa 3 Ng 90

Mateo 3

Mateo 3:1–17 · AB19053 minutong pagbasa ng Kasulatan

KASULATAN / ANG BIBLIA 1905

Mateo 3:1–17

1At nang mga araw na yaon ay dumating si Juan Bautista, na nangangaral sa ilang ng Judea, na nagsasabi,

2Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

3Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.

4Si Juan nga ay nananamit ng balahibo ng kamelyo, at may isang pamigkis na katad sa palibot ng kaniyang baywang; at ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulot-pukyutan.

5Nang magkagayo'y nilabas siya ng Jerusalem, at ng buong Judea, at ng buong lupain sa palibotlibot ng Jordan;

6At sila'y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.

7Datapuwa't nang makita niyang marami sa mga Fariseo at Saduceo na nagsisiparoon sa kaniyang pagbabautismo, ay sinabi niya sa kanila, Kayong lahi ng mga ulupong, sino ang sa inyo'y nagpaunawa upang magsitakas sa galit na darating?

8Kayo nga'y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi:

9At huwag kayong mangagisip na mangagsabi sa inyong sarili, Si Abraham ang aming ama; sapagka't sinasabi ko sa inyo, na mangyayaring makapagpalitaw ang Dios ng mga anak ni Abraham sa mga batong ito.

10At ngayon pa'y nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong kahoy: ang bawa't punong kahoy nga na hindi nagbubungang mabuti ay pinuputol at inihahagis sa apoy.

11Sa katotohanan ay binabautismuhan ko kayo sa tubig sa pagsisisi: datapuwa't ang dumarating sa hulihan ko ay lalong makapangyarihan kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: siya ang sa inyo'y magbabautismo sa Espiritu Santo at apoy:

12Nasa kaniyang kamay ang kaniyang kalaykay, at lilinisin niyang lubos ang kaniyang giikan; at titipunin niya ang kaniyang trigo sa bangan, datapuwa't ang dayami ay susunugin sa apoy na hindi mapapatay.

13Nang magkagayo'y naparoon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.

14Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?

15Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.

16At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

17At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Mateo 3:1–17 · Ang Biblia 1905 (AB1905)

Buksan ang buong kabanata

PAGNINILAY NA EDITORYAL · HINDI KASULATAN

Bago magpatuloy

Hinihiling ni Juan ang pagsisisi na nakikita sa paggawi; ang pagsamo kay Abraham ay hindi sapat. Nang dumating si Jesus para magpabautismo, nag-atubili si Juan. Ang bukás na langit, ang Espiritu at ang tinig ay nagpapakilala kay Jesus bago ilahad ni Mateo ang kaniyang pangmadlang ministeryo.

Basahing muli ang talata kung gusto mo. Pansinin kung aling salita, pagkilos, o tanong ang nananatili sa iyo. Maaari mong tapusin ang pagbabasa nang hindi natatapos ang pag-iisip tungkol dito.

SANDALI PARA MAGNILAY

Anong pinagmumulan ng katiwasayan ang hinahamon ni Juan? Ano ang magpapakita ng pagbabago sa iyo mismong paggawi?

PUWANG PARA SA SARILI MONG MGA SALITA

Isang kaisipang itatala.

Naligtas lamang sa browser na ito sa aparatong ito. Ang iyong mga salita ay hindi ipinadadala sa amin. Ang pagbura ng data ng browser ay nag-aalis ng mga notang ito.

Sumulat ng ilang salita kapag handa ka na.

Naka-save lamang sa browser na ito ang pag-usad mo, hiwalay sa app.