01
Dalhin ang kahilingan sa panalangin
4Mangagalak kayong lagi sa Panginoon: muli kong sasabihin, Mangagalak kayo.
5Makilala nawa ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao. Ang Panginoon ay malapit na.
6Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios.
7At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus.
8Katapustapusan, mga kapatid, anomang bagay na katotohanan, anomang bagay na kagalanggalang, anomang bagay na matuwid, anomang bagay na malinis, anomang bagay na kaibigibig, anomang bagay na mabuting ulat; kung may anomang kagalingan, at kung may anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin, ang mga bagay na ito ang gawin ninyo: at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.
PAGNINILAY NA EDITORYAL · HINDI KASULATAN
Para sa komunidad ang sulat ni Pablo, hindi pagsusulit kung sapat na kalmado ang isang tao. Sundan ang galaw mula sa panalangin at pasasalamat patungo sa iniisip at isinasabuhay. May salita rito para dalhin ang kahilingan sa Diyos; hindi patunay ng bigong pananampalataya ang pagkabalisa. Pansinin ang naunang panawagang tumulong sa isa’t isa. Maaaring pangalanan ang isang alalahanin at ipaalam sa taong pinagkakatiwalaan mo ang dala mo.
